Inilarawan ng filmmaker na si Mark Shandii Bacolod ang paggawa ng kauna-unahan niyang pelikulang pinamagatang Fidel bilang isang baptism of fire.
Inihalintulad niya ito sa “opening Pandora’s box.”
Una sa lahat, may kinalaman ang istorya ng pelikula sa panggahasa sa mga kalalakihan, na halos hindi pinag-uusapan sa Pilipinas dahil uso pa rin dito ang pa-macho.
Ipinaliwanag niya na nakabatay ang pelikula sa mga true-to-life na kuwento ng mga overseas Filipino workers, mga kalalakihang nagahasa sa kanilang pangingibang bayan.
“Habang gumagawa ako ng research ang nagi-interbyu, may nakilala ako na may best friend na na-rape sa Dubai,” kuwento ni Bacolod.
Matindi ang naging epekto ng panggagahasang iyon sa lalaki. “Umuwi siyang balisa. Hindi na siya yung dating tao bago umalis. Nawalan na siya ng pag-asa. Hanggang isang araw natagpuan siyang patay sa kubeta, sinunog ang sarili niya.”
Nang matapos ang interbyu na yon, umiiyak na si Bacolod.
Naapektuhan talaga siya ng salaysay. “Hindi ako makakain, hindi ako makatulog,” aniya. “Nang inulit ko ang kuwento sa aking writer, si Charlotte Dianco, hindi siya makapagsalita.”
Ang pag-uusap nilang yon ang siyang naging simula ng kanyang “personal journey” at ng kanyang team.
Maging ang shoot mismo, aniya, ay naging mahirap at “lubhang emosyunal.”
Nakatagpo naman siya ng matinding cast na kinabibilangan nina Lance Raymundo, Snooky Serna, Maria Isabel Lopez, Fonz Deza, Andrea del Rosario, Von Arroyo, at mga kaibigan niya sa teatro na sina Bong Cabrera, Chrome Cosio at Ana Abad Santos.
Hindi naging madali ang pagkuha ng rape scene, sabi ni Bacolod. “May gusto akong ipakitang bago. Hindi sexual yung rape kundi emotional. Nakakatakot, pero naniniwala kami na isa itong kuwento na dapat ipakita,” diin niya.
Nagsimula nang ipalabas ang Fidel sa IndieSine Robinsons Galleria kahapon.
Quote this article on your site
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Tuesday, 19 January 2010
Inilarawan ng filmmaker na si Mark Shandii Bacolod ang paggawa ng kauna-unahan niyang pelikulang pinamagatang Fidel bilang isang baptism of fire....





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio
