Asahan na ang pagsiklab ng gulo sa Upcoming Show. Lahat ng tatlong anchor minsan nang nag-away.
Ininsulto minsan ni Male Star ang itsura ni Female Star. Inaway naman ni FS si Co-Star, na nakaismiran din ni MS.
Kumpleto na ang sangkap na kalerkihan.
Ay, bumigay!
Marami ang naghinalang si gentle, gawky Reality Star lang ang closet gay sa batch niya.
Vakler din pala ang hunky Batch Mate ni RS. Makisig at marahas man, lumabas ang tunay na kulay ni BM sa isang out-of-town trip.
Isang espiya ang nagsabing nagmistulang kinilig si BM kay Imported Stud, na ka-kwarto niya.
Baka nakiliti si BM dahil kilala si IS sa pagpapakita sa “yaman ng angkan” niya kapag nalalasing, na madalas nangyayari.
Naglaro ng apoy
Namana ni Foreign Hunk ang masamang ugali ng mga rakistang nakakasama.
Ginulo niya kamakailan ang isang silid sa isang marangyang resort. Lasing na lasing, tinangka niyang sunugin ang TV gamit ang nagliliyab na deodorant at lighter.
Feeling flawless
Nasaksihan ng mga turista noong weekend ang isang hindi kaaya-ayang tanawin sa isang summer resort.
Walang nakitang masama si Gutsy Star sa pagrampa nang may kakarampot na saplot. Ang problema, hindi naman flawless si GS, at tadtad ng stretch marks ang katawan niya.
Kaya umalis
Hindi na nagdalawang isip si Male Celeb sa paglipat sa ibang network.
Hindi naman siya na-regular sa dating studio, na nag-alok lang sa kawawang lalaki ng maiikling kontrata (tatlong buwan). Mas galante ang mga bagong boss ni MC. Maliban sa pagbibigay ng seguridad sa trabaho, pinangakuan din siya ng malaking dagdag sa suweldo.
Quote this article on your site
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Wednesday, 10 March 2010
Asahan na ang pagsiklab ng gulo sa Upcoming Show. Lahat ng tatlong anchor minsan nang nag-away. Ininsulto minsan ni Male Star ang itsura ni Female...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio
