Wednesday
Feb 08th
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Showbuzz Showbuzz Nation Sabwatan ng tatlong gay insider

Sabwatan ng tatlong gay insider

(0 votes, average: 0 out of 5)
smaller text tool iconmedium text tool iconlarger text tool icon

HINDI lang iilan sa major studio na ito ang nakakaalam ng “casting couch conspiracy.”
Tatlong Gay Insiders ang matagal nang “nambibiktima” ng mga Hunky Actors kapalit ng mga malalaking proyekto. Si GI1 ang diumanong bagong bed partner ni Drama Actor, na dumaan na sa mahabang listahan ng gay benefactors. Si GI1 din ang kalaguyo ni Handsome Stud, na natsitsismis na may kakulangan pagdating sa kalinisan sa katawan.
Si Macho Upstart ay alaga ni GI2 habang si Mestizo Actor ang niroromansa ni GI3. Nang malaman ng girlfriend ni MA ang  ugnayang ito, madalian siyang nakipaghiwalay. Patuloy na nagagawa nina GI 1, 2 at 3 ang kanilang kalokohan dahil pinagtatakpan nila ang isa’t isa.
Binibigyan ni GI1 ng proyekto ang kalaguyo ni  GI2 at pinoprotektahan ni GI2 ang mga lalaki ni  GI1 mula sa press. Nasa posisyon din daw si GI3 na bigyan ng maraming proyekto ang mga alaga nina GI1 at GI2.

Nakikinabang

Si Pretty Starlet ang nakikinabang ngayon sa  casting couch conspiracy: Pero paano?
Dahil alam niya ang mga sikreto ng mga Hunky Boytoys ng tatlong GI, talagang ginamit ni PS ang inpormasyong nasa kamay niya. Sino naman ang mag-aakala na  isa pala siyang matinding blackmailer?
Ngayon, bisi-bisihan si PS dahil nabibigyan siya ng maraming maliliit na roles sa mga malalaking proyekto ng mga GI. Nakorner na yata niya lahat  ang mga role ng extra —bilang best friend ng lead star, younger sister, classmate, office mate... lahat na lang!
Hit and run
Bulung bulungan sa mga hallway ng Major Studio: nasa likod ng manibela si Promising Hunk nang banggain ng kanyang sasakyan ang isang dyip na ikinapinsala ng maraming tao.
Dahil valuable investment ang turing kay PH, ginawa ng MS lahat upang tiyakin na hindi lalabas sa balita sa telebisyon ang aksidente.
Gayunpaman, nakuha pa rin itong pag-usapan bilang blind item sa TV5 show na Juicy, at sa tabloid column ng isang Controversial Personality na closely identified sa  home studio ni PH.
Nagulat kami nang malaman namin ang pagkatao ni PH. Mukha talaga siyang mabait at banayad magsalita at hindi  tipong tatakbuhan ang isang aksidente.

 

Quote this article on your site

To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.




Preview :

Sabwatan ng tatlong gay insider
Tuesday, 24 August 2010
HINDI lang iilan sa major studio na ito ang nakakaalam ng “casting couch conspiracy.” Tatlong Gay Insiders ang matagal nang “nambibiktima” ng...

Share/Save/Bookmark
 



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Visit Us

Inquirer.net
Bandera
Cebu Daily News
Hinge Publications
Libre Classifieds
Visit Us @ Facebook

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock