Wednesday
Feb 08th
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Showbuzz Showbuzz Nation Naka-fling ni Keanna: Luis, Jake, Cogie

Naka-fling ni Keanna: Luis, Jake, Cogie

(1 vote, average: 1.00 out of 5)
smaller text tool iconmedium text tool iconlarger text tool icon

PINANGALANAN ni sexy comedian Keanna Reeves ang tatlong aktor na, aniya, nakarelasyon niya ng panandalian. At ipinagmamalaki niya ang lahat ng ito, sabi niya.

Ayon kay Keanna, 40, na-involve siya sa mga mas batang aktor na sina Jake Cuenca, Luis Manzano at Cogie Domingo pagkatapos niyang manalo sa reality show na Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 1 noong 2006.

“Who would say no to those guys?” sabi niya sa isang grupo ng mga manunulat nitong Miyerkules. Hindi naman daw siya kiss-and-tell, sabi ni Keanna; nagiging candid lang daw siya. “I’m not out to create trouble for anyone.”
Ayon kay Keanna, pinakamatagal niyang nakasama sa tatlo si Cogie, na madalas dumalo sa kanyang condominium unit. Madalas silang nakikitang lumalabas kumain aniya. “We just kept denying the reports.”
Si Jake naman one-night stand lang, dagdag ni  Keanna. Lasing silang umalis sa party ng isang kaibigan at nagpasya na lang na magpalipas ng gabi kasama ang isa’t isa. “Jake said he had quarreled with his girlfriend. He was surprised when Tito Boy (Abunda, talent manager ni Keanna) asked about that night. Actually, I told Tito Boy.”

Tumanggi naman si Keanna magsalita tungkol kay Luis, bilang paggalang sa ina nitong si Batangas Gov. Vilma Santos. “But I don’t just say things if they’re not true. Out of so many celebrities, why would I single him out? Besides, his show biz image is wholesome... and it was just a fling. It won’t happen again.”

Sabi ng komedyana na napilitan siyang magsalita tungkol sa tatlong lalaki sa panayam niya kay  Cristy Fermin sa Paparazzi ng TV5. Paliwanag ni Keanna: “She asked which men in show biz I found ‘yummy’... it’s hard to lie to her.”

Inamin ni Keanna na naramdaman niyang “neglected” siya ni Boy Abunda bilang manager, bagamat “he is a friend I can always count on.” Nakakontrata siya sa Backroom Inc. ni Boy hanggang 2011. “[But] I’d rather be released, so I can move on.”

Matapos mawala sa eksena ng dalawang taon, masaya si Keanna na mapasali sa TV5 sitcom na  Hapi Together. Mas pasensyosa na siya at cooperative ngayon, aniya. “I considered quitting, having found that show biz  wasn’t as easy as I thought. But I’m happy with TV5; it’s all about work here.”

Kasama rin sa Hapi Together sina John Estrada, Long Mejia, Soxy Topacio, Leo Martinez, Jon Avila, Carla Humphries, Kean Capistrano at Nova Villa. Ipalalabas na ito mamayang na at 8pm.

 

Quote this article on your site

To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.




Preview :

Naka-fling ni Keanna: Luis, Jake, Cogie
Tuesday, 07 September 2010
PINANGALANAN ni sexy comedian Keanna Reeves ang tatlong aktor na, aniya, nakarelasyon niya ng panandalian. At ipinagmamalaki niya ang lahat ng ito,...

Share/Save/Bookmark
 



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Visit Us

Inquirer.net
Bandera
Cebu Daily News
Hinge Publications
Libre Classifieds
Visit Us @ Facebook

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock