Isang stuffed bear ang ibinigay kay Kylie Padilla ng sinasabing boyfriend niya na si Aljur Abrenica. Stuffed bear at isang malaking upuan na makikita dito sa kaakibat na larawan. Kabilang ang dalawang bagay na ito sa listahan ng kanyang “most cherished possessions.”
Isa nang ganap na dalaga ang pangalawang anak ni Robin Padilla kay Leizl Sicangco. Sa isang panayam sa Inquirer Entertainment, pinasilip kami ni Kylie sa kanyang bagong mundo, isang mundo na may kasamang Aljur.
Aniya, ang dating mga piling pabango para sa kanya ng ina niyang si Liezl ay napalitan na ng mga gusto ni Aljur. “Mom bought me Vera Wang Princess. It was my favorite scent, until Aljur gave me Givenchy Secret. He gave me two others —Gucci Rush 2, which smells like you just stepped out of the shower, and Charriol, perfect for formal events.”
Binigyan din siya ni Aljur ng “taping chair” nang magsimula siyang magtrabaho sa Blusang Itim ng GMA-7 na turing ni Kylie ay isang big break. Naalala ni Kylie na sabi pa ni Aljur sa kanya, “You have a show now; you must have your own chair.”
“Allie” ang pangalan ng teddy bear; kombinasyon ito ng kanilang mga pangalan.
“He gave this to me last Valentine’s Day.” At ang parati niyang suot na Nike gray sports jacket? Isa rin sa mga regalo ni Aljur sa kanya.
Quote this article on your siteTo create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Kylie Padilla, nagdadalaga
Friday, 22 July 2011
Isang stuffed bear ang ibinigay kay Kylie Padilla ng sinasabing boyfriend niya na si Aljur Abrenica. Stuffed bear at isang malaking upuan na makikita...
Friday, 22 July 2011
Isang stuffed bear ang ibinigay kay Kylie Padilla ng sinasabing boyfriend niya na si Aljur Abrenica. Stuffed bear at isang malaking upuan na makikita...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio






