Thursday
Jul 24th
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Showbuzz Showbuzz Nation

Showbuzz Nation

Gifted Star tinaboy ina

Nais ipabatid ni Gifted Star sa buong mundo na nasa wastong edad na siya at may sarili nang pag-iisip. Kaya todo siyang party nang party, ayon sa mga ulat sa Net. Bukod sa club-hopping, umiinom siya kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan.
May napulot pang masamang kaugalian itong si GS mula sa kanyang mga kasamahan—tulad na lang ang pagsaway sa mga mas nakatatanda sa kanya. Kaya ang naalarma niyang Feisty Mom tinangkang ibalik si GS sa matuwid na daan. Matapos ang isang mainit na pagtatalo, nakuhang mapalayas ni GS ang kanyang sariling ina mula sa kanyang entourage.
Tutal, hindi na menor de edad si GS at makakapunta kahit saan niya gusto nang walang kasamang magulang.
Uso na talaga
Nainlab si Talented Performer kay Promising Newcomer.
Kaya extra-supportive si TP sa papausbong na karir ni PN—bigyang diin ang “extra.” Sinama ni TP ang baguhan sa isang exotic holiday destination, kaya nasaktan ang puso ng Longtime Companion niya.
Siyanga pala, iisa ang kasarian ng lahat ng mga manlalaro sa love triangle na ito. Uso ba?
Mapang-alipin
Alam ni Handsome Hunk kung paano gamitin ang kanyang itsura para sa kanyang kapakanan.
May kakaibang epekto talaga si HH sa kanyang mga naging gay lovers, na payag magpakaalipin sa kanya makuha lang ang kanyang pagtingin. Kabilang na rito ang isang Show biz Insider, na walang alintanang umastang alalay ni HH habang magkarelasyon sila.
Si SI parati ang nagdadala ng mga bihisin ni HH papunta at pabalik sa studio at daig pa ang isang production assistant kung manilbihan.
Maging si Talented Artist nabighani rin sa alindog ni HH at pumapel na drayber sa buong pagsasama nila.
Mga tunay na alipin ng pag-ibig!
Hinaras
Napatunayan ng karanasan ni Handsome Actor na nakararanas rin ang mga kalalakihan ng sexual harassment.
Na-“manhandle” siya diumano ng isang gay production staffer sa set ng isang pelikula.
Habang naghahanda para sa isang mahalagang eksena, hipo nang hipo ang staffer sa mga legs ni HA.
Si HA pa ang feeling embarassed sa pangyayari. Habang gumagapang papalapit ang kamay ng staffer sa kalalakihan ni HA, saktong dating ng isang katrabaho nito at sinita ang staffer.
 
Page 10 of 908



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Visit Us

Inquirer.net
Bandera
Cebu Daily News
Hinge Publications
Libre Classifieds
Visit Us @ Facebook

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock