Tuesday
Sep 07th
Text size
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Showbuzz

Showbuzz

Banggaan ng mga bigatin

Naku, parang gusto nang matunaw sa kanilang kinauupuan sa hiya ang mga nakasaksi at naipit sa matinding palitan ng putok na naganap kamakailan.

Sa isang katatapos na malakihang celebrity bash, nagkamaling batiin ni Top Manager 1 si Top Manager 2.

Sa halip na makipagbeso-beso at plastikan, pinutakti ni TM2 si TM1 ng p-word. Kasi daw ganito ang dahilan: Pinuna diumano ni TM1 ang mga pagpaparetoke ng isa sa mga alaga ni TM2.

Hindi maawat ang bibig ni TM2 kaya walang magawa si TM1 kundi mabilisang lumayo.
Away dahil sa GF
Hindi makapaniwala ang mga reporter sa naging pagkilos ng Hot Actor na ito na nabansagang party pooper dun rin sa happening na yon.

Pinag-initan diumano ni HA ang kanyang Former Friend, isang masayahin at nakakatawang kasamahan niya sa industriya. Sinulsulan diumano si HA na gawin yon ng kanyang Hot Girlfriend na may isyu daw kay FF. Ang hindi alam ni HA, si HG naman ang may kasalanan.

Nanaig din ang mga mas malamig na ulo kaya naiwasan ang isang nakakahiyang away.
Gera ng mga reyna
Isang digmaan ang maaaring sumabog sa pagitan ng dalawang reyna kahit ano mang oras. At maaari itong maging mas magulo pa kesa sa away nina Claudine at Angelica.

Insecure kasi itong si Gay Host 1 dahil inaagawan siya ng spotlight nitong si Gay Host 2. Nakiusap na diumano si GH1 sa mga network boss na dagdagan ang kanyang exposure at bawasan ang paglabas ni GH2.
Natural, hindi naman basta-basta tatanggapin ni GH2 ang pananaksak sa kanyang likod.
Kasi, kasi
Ilang mga local (at imported) celebrities daw ang hindi tinanggap bilang mga contestant sa isang region-wide reality show, ayon sa isang espiya.
Nagpadala daw ng kanilang mga demo tape itong mga Imported Hunks, na nabubulol kapag nagsasalita ng English, kaya agad daw ibinasura ng mga producer ang kanilang mga application.
Sabi ng spy, hindi raw maintindihan ng mga producer ng show ang mga pananalita ng mga IH: “IHs spoke like robots.”
Kabilang sa mga na-reject sina  Imported Beauty at Unknown BFF; Handsome Do-Gooder at Cute Cousin; at Talented Actor-Director at Equally Gifted Brother.
Nagbibigay daw sina TAD at EGB ng mga tapes nila taun-taon, pero wala rin.
Nag-aayos
Sa gitna ng matinding palitan ng mga masasakit na salita, may mga tangka pa ring ayusin ang kampo nina  Claudine Barretto at Angelica Panganiban.
Mula sa Star Magic, na may hawak kay Angelica: “[We are] constantly coordinating with Shirley Kwan [Claudine’s manager] as we hope to settle the issues involving our artists.”
Sa isang ulat, kinumpirma ni Kwan na may nagaganap ngang pag-uusap.

Binandera ng ‘Bandera’
Baron Geisler: Good boy na po ako! (Talaga?)
Claudine Barretto wasak dahil kay Angelica Panganiban. (Kyebs)
Sulsol na female star sinisisi sa bangayang Claudine-Angelica. (Puwede!)
Claudine iritang-irita na;  Angelica deadma. (In fairness, ang galing nilang mga artista)
Richard Gutierrez hiniwalayan na si Jewel Mische. (Na naman?)
Kim Chiu, Bea Alonzo nag-isnaban daw dahil kay  Gerard Anderson. (At bakit naman?)
Kasunduan nina  Robin Padilla at Mariel Rodriguez: Ilihim ang kasal! (Hay, naku, please.)
Aiza Seguerra malapit nang mabuntis? (Astig!)
Regine Velasquez gustong tikman si  Dingdong Dantes. (May ganon?)

 
Page 3 of 725



Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Inquirer Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.


Banner
Banner

Advertorials

 

Inquirer Libre Classifieds

  Place an Ad at Libre Classifieds for a minimal fee and get more leads and close sale...

Sponsors


giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock
giant-chockablock