TULAD ng umuusok na sabaw ng masarap na sinigang, umaapaw pa rin sa asim ang NCAA sa gulang na 85.
Matapos dumaan sa giyera, kalamidad at iba’t ibang kontrobersya ang pinakamatandang collegiate sports league sa bansa, heto’t muling magpapasaya, mang-aasar at gagawa ng mga bagong kaibigan at kaaway ang liga na magbubukas bukas sa Araneta Coliseum.
Ulanin man o arawin, may A(H1N1) virus man o wala, tiyak na magsisiksikang parang sardinas ang mga manonood sa makulay na pagsisimula ng 85th ‘NC.’
"We trust that each school will take pre-cautionary measures to make sure that their athletes and students who are going to the games do not have the virus,” diin ni Rev.Fr. Mateo de Jesus rector ng host San Beda at pangulo ng liga.
Dagdag-sipa sa mga binti ng torneo ang kanilang pagbubukas ng pinto sa tatlong mga bisitang iskul--Arellano University, Emilio Aguinaldo College at Angeles University Foundation.Ang mga bisita ay may kakayahang gumawa ng sorpresa hindi lamang sa basketbol kundi sa iba’t-ibang isports.
‘‘We want them to be competitive. The guest teams can create surprises,’’ sabi ni Jose Mari Lacson, chairman ng NCAA management committee.
Higupin na habang mainit pa ang maasim na sabaw!
Quote this article on your site
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Thursday, 02 July 2009
TULAD ng umuusok na sabaw ng masarap na sinigang, umaapaw pa rin sa asim ang NCAA sa gulang na 85. Matapos dumaan sa giyera, kalamidad at iba’t...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio
