Isa siya sa kinatatakutang manlalaro sa Philippine Basketball Association. Mahusay siyang mag-syut, mabilis tumakbo, mataas tumalon at marunong pumasa.
Kinumpara ang kanyang estilo kay NBA Most Valuable Player Derrick Rose ng Chicago Bulls.
Ganunpaman, nananatiling hindi mabango ang pangalang Gary David na tinaguriang Mr. Anonymous ng PBA.
Malaking dahilan ang kabiguan ni David, 6-foot-2, na mapabilang sa isang koponang hindi lamang sikat kundi may kakayahan i-syut ang titulo.
Ngunit hindi ugali ni David na tubong Dinalupihan, Bataan, na manisi at sinabing ginagawa niya ang lahat upang matulungan ang kanyang koponan na magwagi.
‘‘Siyempre, gusto ko ring mag-suot ng championship ring. Yon nga lang, hindi ito mangyayari kung hindi kami papasok sa finals. Lahat naman kami ay nais manalo,” sabi ni David na pumasok sa liga noong 2004.
Matapos lumaro sa Air21 ay napunta sa Coca Cola na ngayo’y Powerade Tigers si David.
Bagamat naghasik ng lagim sa scoring ay hindi pa rin umabante ang Tigers sa Philippine Cup at Commissioner’s Cup.
Isa itong dahilan kung bakit hindi napasama si David sa Boracay Hala Bola All-Star. ‘‘Masarap sana sa Boracay pero hindi tayo mapalad,” sabi ni David na dalawang beses ng naging All-Star.
Tiwala si David na matatapos rin ang kanyang pagka-uhaw sa titulo. Matatapos ang kanyang kontrata sa Tigers sa Agosto.
“Ang pilosopiya ko ay ibigay ang lahat sa aking koponan. Tiwala ako sa aking manedyer na si Danny Espiritu at susundin ko ang kanyang mga desisyon,” sabi ni David.
Kasal si David kay Jen na tubong Pandi, Bulacan, at may dalawa silang anak babae—Liam Candle Maxene at Liam Jenica Gariel.
Ayon kay Jen, mapagmahal na asawa at mahusay magluto si Gary. “Dapat matikman mo ang kanyang kare-kare,” sabi ni Jen. Naka-tatoo sa kanang balikat ni David ang mukha ni Jen.
Pinagyabang rin ni David ang kanyang pagiging magsasaka sa kanilang lupain sa Dinalupihan.
‘‘Bata pa lang ay tinuruan na ako ng aking mga magulang na magsaka. Dahil dito ay natuto akong magluto ng iba’t-ibang putahe dahil sa sakahan kami kumakain matapos magtanim,” ani David.
To create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Friday, 17 June 2011
Isa siya sa kinatatakutang manlalaro sa Philippine Basketball Association. Mahusay siyang mag-syut, mabilis tumakbo, mataas tumalon at marunong...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio






