Kumawala sa third quarter ang Rain or Shine upang tambakan ang Powerade Tigers, 110-95 kagabi sa Game 4 ng PBA Philippine Cup semifinal series sa Big Dome.
Limang Elasto Painters ang umiskor ng double figures upang ibaon ang Tigers na nakakuha ng 30 puntos mula kay Gary David. Ito ang ika-anim sunod laro sa playoffs na umiskor si David ng 30 o mahigit pang puntos.
Tabla na 2-2 ang best-of-seven semifinal series.
Binuslo ng Rain or Shine ang 10 sa 26 tira sa tres at 52 porsyento sa two-point area.
Samantala, hangad ng Petron Blaze ang ikatlong sunod panalo kontra Talk N’ Text ngayon sa Game 4 ng kanilang serye.
Kung magwawagi ang Boosters ay kukunin nila ang 3-1 agwat na magpapahirap sa Tropang Texters na isalba ang serye.
Puntirya ng Texters na maging unang koponan mula noong 1985 na mapanatili ang All-Filipino na huling nakamit ng Great Taste Coffee.
Muling pangungunahan nina Arwind Santos, Dennis Miranda, Rob Reyes at Alex Cabagnot ang atake ng Petron.
MGA ISKOR
RAIN OR SHINE 110 - Chan 19, Lee 15, Matias 12, Norwood 11, Belga 10, Tang 9, Quiñahan 9, Rodriguez 6, Buenafe 6, Araña 5, Cruz 4, Ibañes 4.
POWERADE 95 - David 30, Lassiter 18, Kramer 12, Anthony 11, Casio 9, Vanlandingham 7, Lingganay 4, Adducul 2, Antonio 2, Martinez 0, Crisano 0.
Quarters: 25-21, 53-45, 79-61, 110-95
Quote this article on your siteTo create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Petron puntirya 3-1; RoS bumalikwas
Wednesday, 11 January 2012
Kumawala sa third quarter ang Rain or Shine upang tambakan ang Powerade Tigers, 110-95 kagabi sa Game 4 ng PBA Philippine Cup semifinal series sa Big...
Wednesday, 11 January 2012
Kumawala sa third quarter ang Rain or Shine upang tambakan ang Powerade Tigers, 110-95 kagabi sa Game 4 ng PBA Philippine Cup semifinal series sa Big...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio






