MELBOURNE, Australia—Dati-rati ay kilala si Maria Sharapova bilang baguhan na walang kinatatakutan matapos niyang talunin si Serena Williams sa kanyang unang Grand Slam final.
Noong Sabado ay hindi kinaya ni Sharapova ang bagong ingay ng women’s tennis.
Dinurog ni Victoria Azarenka ng Belarus si Sharapova, 6-3,6-0 upang kunin ang kanyang unang titulong grand slam sa Australian Open.
Dahil sa panalo ay kinuha rin ni Azarenka ang numero uno posisyon sa mundo.
Tahimik ang mga manonood sa Rod Laver Arena matapos sumabit ang backhand ni Sharapova sa net na naging hudyat ng pagtatapos ng hatawan.
Maging si Azarenka ay natulala sa resulta. Napaluhod ang Belarussian bago takpan ang kanyang mukha.
“I couldn’t understand what’s happening,” sabi ni Azarenka. “It still hasn’t hit me that it’s over and I won this.”
Numero uno rin si Sharapova kung nakuha niya ang titulo. Ito ang ikalawang sunod na natalo sa grand slam final si Sharapova na bumigay kay Petra Kvitova sa Wimbledon final noong nakaraang taon. Inquirer wires
Quote this article on your siteTo create link towards this article on your website,
copy and paste the text below in your page.
Preview :
Sharapova lubog kay Azarenka
Monday, 30 January 2012
MELBOURNE, Australia—Dati-rati ay kilala si Maria Sharapova bilang baguhan na walang kinatatakutan matapos niyang talunin si Serena Williams sa...
Monday, 30 January 2012
MELBOURNE, Australia—Dati-rati ay kilala si Maria Sharapova bilang baguhan na walang kinatatakutan matapos niyang talunin si Serena Williams sa...





Mister Wong
Digg
Del.icio.us
Slashdot
Furl
Yahoo
Technorati
Newsvine
Googlize this
Blinklist
Facebook
Wikio






